04 5 / 2012

Sa Wakas!

Mabuhay! :) Haha!

Sa wakas at magagamit ko na ang domain na ito. 

Ako nga pala si Jen, at ito ang aking Tagalog Blog. Matagal na akong blogger, at matagal na din itong domain na ito. Nagkataon lang na kinailangan kong lumipat sa Tumblr para may mas maayos at mas magandang blogging tool akong magamit. :)

Ako nga din pala ang may-ari ng So Fabulous at So Pretty. (Parehong English ang ginamit kong language doon)

Matagal ko na ginustong magkaroon ng Tagalog Blog, kaya naman na-e-excite akong mag-blog dito ngayon. :)

Kung sa mga English Blogs ko ay medyo malawak at “general” ang mga post ko, siguro dito mas personal at mas kwela. Sana magustuhan niyo pa ang mga susunod kong ipo-post. :) 

Ok din sakin kung maraming followers itong blog na ito, pero sa ngayon, hindi ko habol ang pagpapataas ng PR nitong blog na ito. Magkaron lang ng maraming followers, OK na ako dun. :)

Hanggang dito nalang muna at maghahanap pa ako ng mga pwedeng ilagay na kapaki-pakinabang sa blog na ito. Hanggang sa susunod na blog post ko! :)